Langit, lupa, impyerno, im impyerno
Saksak puso tulo ang dugo
Bubuka ang bulaklak,
Papasok ang Reyna
Ang saya-saya.
Ang saya-saya.
Boom teyaya boom, teyaya boom yeye
Alas kwatro ng hapon maririnig moh na sa mga kalsada ang mga
kantang yan dati. Pagkabihis galing sa skwela diretso na kami ng mga kaibigan
ko sa labasan para maglaro. Hindi pa uso ang PSP nun, hindi pa kilala ang
internet, balita ang napapanuod sa tv na hindi kina iinteresan ng mga kabataan,
imbes na gumawa ng assignment maglalaro muna kami.
Siguro kami na yung huling henerasyon na naglaro sa tabi ng
kalsada. Hindi man ganun ka hi tech yung laro namin pero sulit na sulit sa tuwa
at saya.
Hanggang alas sais yung paglalaro pag may pasok, pag wala
naman at timing na kabilugan ng buwan one to sawa yan o di kaya hanggang sa
hindi pa sinusundo ng palo ng magulang. Buhay na buhay ang tabi ng kalsada dati
at buwan-buwan din bumibili ng tsinelas si Mama. Kung hindi moh alam ang
sinasabi ko maaring sinilang ka sa henerasyon ng Gameboy, Dota, PSP at ni
Justin Beiber.
Patintero
Hindi biro ang larong ito. Pang Olympics. Kelangan moh ng
strategy at dapat magaling ka sa pagtantya ng iyong katunggali. Mula apat
hanggang anim ang pedeng sumali sa dalawang grupo. Pagalingan sa pagdepensa ng
bahay. Pagalingan din sa pagwawala kapag nahuli ka ng mga bantay.
Kami ng pinsan kong babae ang tag team parati. Defending
champion at undisputed. Kahit dalawa lang kami at silang lahat, kayang-kaya.
Mas masarap laruin pag kabilugan ng buwan at brown out. Minsan nagkakapikunan
na pero grabe namang tuwa at tawa. Minsan nanunuod ang mga nakakatanda at
nakikisaya.
Tumbang Preso
Gamit lang ang lata ng gatas (kadalasan Alpine na malaki) at
tsinelas. Ipapatong ng taya ang kanyang tsinelas sa lata at babatuhin ito ng
mga kasali, kapag natamaan ay kelangang ayusin ng taya ang pagkkapatong ng
tsinelas sa lata saka hahabulin ang mga kasali, mahuli taya.
Naalala ko inabot kami ng alas syete ng gabi mula alas
kwatro ng hapon na ako pa rin ang taya. Mas panglalake kasi ang larong to.
Pinapanalangin ko na talaga nuon na sana sunduin na ko ni Mama ng matapos na
ang laro. Lahat ng klaseng kantyaw inabot ko. Pagkaisahan ka ba naman ng halos
lahat ng bata sa pagbato ng lata. Mga lokong yun di na naawa.
Chinese Garter
Maraming klase ng paglalaro nito pero ang pinakasikat ay
yung pipilitin mong makalagpas sa Chinese garter. Bawal tumbling at ang pinaka
mataas mo hna pedeng abutin ay Biba-tingkayad. Ibig sabihin, naka tingkayad yung
humahawak ng garter at naka stretch din ang kamay pataas ng bonggang-bongga. Kelangan
moh ng momentum talaga dito at mahabang-mahabang biyas.
As usual, pinsan kong babae ang Gold champion, silver lang
ako. Sya lang nakakaabot sa pinakamataas na level ang kaya kulang is yung Biba
level, walang tingkayad.
Tagu-taguan
Ahhhh…pinakapborito kong laro. Mas maganda pag papadilim
lalaruin kaso yung KJ kung pinsan sinabi na kapag gabi daw nilalaro, itatago ka
ng engkanto o maligno o aswang. Bad trip.
Magbibilang hanggang sampu ang taya para bigyan ng sapat na
oras ang mga kasali para magtago. Naalala ko dati, kapatid kong babae ang taya,
at dun kami naglaro sa bahay ng Lola namin. Nagtago ako sa “berha” (para syang
terrace sa bintana). Marupok na yun pero yung isa kong kapatid na lalake at
isang kapitbahay namin, nakisiksik pa dun sa tinataguan ko. Bumigay yung
berha, lahat kami nahulog, ako lang yung may malay, yung dalawa nahimatay.
Ahahahha. Pinalo pa ko.
Habulan
Ito yung pinaka ayaw ko kasi nakakapagod, lalo na pag ikaw
ang taya. Hahabulin lang ng taya ang mga kasali at ang kanyang mahuli ay
susunod na taya. Yung mga kasali ay pedeng asarin ang taya.
Pagkatapos laruin ang larong ito, sigurado amoy araw ka at
amoy pawis tapos yung mga leeg puro libag. Inasar ako dati ni Mama kasi tinalo
pa ko nung kapitbahay naming may polyo. Nahabol ba naman ako. Tsk.
Langit Lupa
Gusto ko rin tong larong to. Habulan sya with a twist kasi
pede kang pumatong kahit saan at immune ka sa pagiging taya kahit mahuli ka pa.
Hindi sya nakakapagod basta may patungan lang. Panget nga lang ang larong ito
pag ikaw ang taya kasi nakakapikon. Pano ba naman, kahit papel ang patungan ng
mga punyemas, considered na raw yun na langit!
Piko
Paramihan ng makukuhang bahay at pagalingan sa pagtalon at
syempre sikat ka pagnakakaliyad ka hanggang lupa. Dito ako naging flexible sa larong
to. May alaga pa kong pamato nun, gawa sa tiles pero mas sosyal ka kung pamato
moh ay yung dalawang piso na buo na may kalabaw at hugis octagon ata yun. Kung
natatalo ka na at lahat ng steps ay bahay na ng kalaban moh pede kang humingi
ng makitid na palugit para talunan.
Bubuka ang Bulaklak
Larong pang kyut lang. Hindi masyadong pisikal kasi bubuo
lang kayo ng pabilog tapos kakanta ng theme song nito at papasok ang reyna para
pumili ng susunod na magiging reyna. Konteng kembot at sayaw-sayaw lang.
Damdam Baby
“Damdam Baby, damdam Veronica. Sweet, sweet lady, Aurora.
Shawie-shawo-shawa Aurora. We’re gonna Mama-ma, we’re gonna Papa-pa. Ang Leon
ay isang matapang, ang palaka ay isang kawawa. Ready, one, two, three camera
action! Attention! Baby Action! Action action! <insert word here>
action!”
Kung alam moh kantahin at laruin yan, swerte moh!
Hahahahha!! Paborito ko yan, sobra kaya hanggang ngayon memorize ko pa.
Pagkatapos kantahin, magpose-pose ka lang ng sasabihing action ng ‘vocalist’.
Ang gumalaw, talo…tapos pipitikin sa tenga o sa kamay o kahit na anong brutal
na maisip moh.
***
Kung nabasa moh ang libro ni Bob Ong na “Bakit Baligtad
Magbasa ng Libro ang mga Pilipino”, for sure natawa ka at naaliw sa sinulat nya
tungkol sa mga Laruang Pinoy. Kwelang-kwela yung tansan na pinokpok hanggang sa
maging flat tapos lalagyan ng tali tapos yun na.
Mga kabataang nabuhay nung nineties ang makaka relate dito
at kung nalaro moh nga tong mga to sigurado may sarili ka ring nakakatuwang
alaala. Ang kabataan dati, simpleng simple lang ang kelangan para aliwin ang
sarili. Ngayon di pedeng walang alak pag nagkakasiyahan. Kung tayo paglalaro
ang inaatupag, sa kanila naman ngayon ay text at lovelife. Kung tayo noon,
excited umuwi galing skul para maglaro, sila excited umuwi para makapg online.
Kung tayo noon, usong-uso ang teks, sa kanila usong-uso ang teen pregnancy.
Nakakapanghinayang lang kasi hindi nila naranasan ang
totoong saya talaga sa paglalaro.
Revised version ng Langit-Lupa:
Heaven, Earthness in
fairness
In, in fairness.
Chukchak heartness
flowing ang dugelsh.
Revised version ng Bubuka ang Bulaklak:
Bubukel ang
flowerettes
Jujusok ang reynabells
Kekembot ng cha-cha
Ang saya-sayey!
ang ganda... salamat sa pagpost mo nito. Paborito ko ring maglaro sa kalsada kasama yung kapatid ko, mga pinsan at kapit-bahay namin. Ang saya-sayang tumakbo. Paburitong-paburito ko ang patintero. Nakakamiss... di kami marunong ng tumbang preso, ang saya-saya pala mula sa description mo. One day, hahanap ako ng paraan na makalaro nito at ng iba pang mga laro...
ReplyDeletenatawa ko sa revised version HAHAHAHHAHA ang saya 🥹 hope to play these uli, this time as an adult with my adult friends
ReplyDelete