Nalala ko lang naman. . .
-nagpapatayan ang mga kakalase ko nung elementary kung sino mas pogi: Shane, Bryan o Mark ng Westlife. Yung dalawang members daw pampuno lang.
-super sikat ka kung binilhan ka ng Nanay mo ng song hits, pero after ng ilang araw lustay na dahil sa kakahiram.
-hindi pedeng hindi umuwi na kulang ang butones sa uniform dahil sa kakalaro ng patintero, baseball o chinese garter.
-pagalingan sa Around the World at Shooting Star habang nagja jackstone.
-dyos ang tingin sayo pag ang bag mo ay may gulong.
-anak mayaman ka kapag ang pencil case mo ay maraming drawers.
-pasikatan ng pag iyak sa klase. Mas maraming uhog, mas maganda.
-pagandahan ng headband: yung may mata, butterfly at malalaking bulaklak.
-kaaway ka ng lahat kapag sipsip ka sa teacher at maarte.
-lahat ng ache naranasan mo na maka absent lang: headache, toothache, stomachache, handache, footache, etc.
-ilang beses ka nang sumali ng slogan at poster making contest pero bakit parang ang hirap manalo.
-find your height parati pag nagfo fall in line... usong-uso din yung batukan.
-buwan-buwan may kontribusyon para sa electric fan o sa banyo.
-kelangang bumili ng maraming yema, jelly ace o puto kay Ma'am para sa ikauunlad ng grades moh.
-pag aalis si Ma'am, ginagawang taga lista ng Noisy pupils ang pinakamaingay sa klase.
-nauuso ang kras-kras.
-sumikat ang Spice Girls... sumikat din ang sapatos na kulay pink na makapal ang swelas.
-5 piso na baon, solb na.
-ok lang kahit maglakad pauwi dahil binili moh ng sisiw na kulay pink (o blue o green atbp) ang pamasahe moh.
-kapag birthday moh, buong klase invited kahit wala ni isa man ang may gift (maniningil pa rin ako sa inyo!!)
-excited ka at proud kapag umattend ang Mama o Papa moh ng PTA meeting.
-sarap sa pakiramdam kapag may ribbon ka o award tuwing recognition day tapos bibilhan ka pa ng garland ng magulang moh.
-pakitang gilas ka kapag kasali ka sa production number ng klase nyo tuwing may program sa skul.
-takot ang nararamdaman sa Principal.
-kapag nasa klase ng terror na teacher: bawal na bawal ang eye contact kapag nagtatanong sya at di moh alam ang sagot.
-sasama ang loob kapag hindi ka binigyan ng magulang moh ng pera para sa mga binibentang aklat, coloring book o buto ng halaman ng mga salesman.
-fiesta kapag may bumisita na magbibigay ng libreng gatas o chocolate drink o tinapay.
-GMRC ang subject na kapag hindi moh pa ma-perfect, ewan ko na lang talaga.
-uso ang takutan sa klase: third eye, na possess sa puno ng Acacia, pangingisay at ang mahiwagang banyo sa dulo ng hallway.
-pabonggahan sa stationery.. dapat mabango, makulay at maarte... pede ring i-trade.
-usong-uso ang teks.
-inggit na inggit ka kasi ikaw na lang ang di pa nakakalaro ng Tamagotchi.
-hindi pa uso internet at cellphone nun pero kwelang-kwela na kapag nagkukwentuhan at tawanan.
-maglalakad ka lang pauwi kasama mga classmates moh, ayos na ayos na ang bonding.
-film pa ang ginagamit sa camera noon pero kayamanan na ang turing sa mga litrato tuwing graduation at F-S Prom.
Iilan lang po yan sa mga naalala ko nung ako'y nasa elementarya pa lamang. Nakakaiyak na nakakatuwang balikan ang buhay estudyante noong ikaw ay nasa mababang paaralan pa lamang.
Mapapaisip ka talaga kung anoh na ang nangyari sa kaklase mong uhugin dati. San na kaya ngayon ang crush moh? Andun pa din kaya si Ma'am at patuloy na nagtuturo??
Maraming nagbago simula ng gumradweyt ka sa elementary. Eto rin marahil ang maituturing na naghubog talaga sa kung ano ka man ngayon. Dito tayo nagkaisip, natutong masaktan, naranasang mabigo at paano bumangon ulit.
Dito tayo nagkaroon ng sarili nating karanasan bilang indibidwal. Wala si Mama o si Papa, kundi tayo lang kasama ang mga kaklase natin at mga guro. Sabay-sabay nating pinagaaralan ang dapat nating malaman at sabay-sabay din nating natutunan ang mga bagay na kailangan nating matutunan.
Nakaka-miss lang talaga yung mga araw na problema moh lang ang project na di moh pa nagagawa at deadline na bukas.
Nagaalala ka na dahil nalaman mong may line of seven ka.
Pinakasakit na sa pakiramdam ang mapagalitan ka ni Ma'am.
Pinakalungkot na na naramdaman moh nung di ka pinayagan sa field trip.
At super excited ka na dahil may medal ka sa Graduation.
Ang simple lang ng buhay sa elementary kaya minsan di moh talaga maiwasang magbalik tanaw at bigla na lang ngingiti sa mga alaala.
Tapos bigla ka na lang tatawa kapag naisip moh ang mortal sin sa elementary:
-ang tumae sa klase.
No comments:
Post a Comment