Sunday, September 9, 2012

Punyemas!

Last week napagdesisyunan naming magkakaibigan ang mag diet para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

1 fistful size na: carbs, protein, fruit at veggies.

Syempre excited ako kasi liliit na yung tyan ko (hopefully) at makakatipid pa ko. So, bumili ako ng mga kakainin ko for the week to come.

4 pcs     Pear
3 pcs     Apple
1 kilo    Cream dory
400g     Skinless Longganisa
1 tray    Egg
10 pcs  Breaded meat balls

Tapos yung gulay real time ko na lang bibilhin at lulutuin para di malanta tsaka yung carb ko, rice na lang.

At eto pa, nag research na ko ng recipes na gagawin ko kasi excited na nga di ba? Kahit di ako marunong sa kusina kakayanin ko kasi nga DIET di ba??

Pagkagising ko kanina, napagdiskitahan kong i defrost yung mamahalin kong ref habang ako sana'y magluluto.

Pero laking gulat at habag nang hindi ko mahanap ang super kalan ko!!! Iniiwan ko lang kasi sa kusina yun na open sa lahat ng pedeng umakyat. Hindi ko akalain na pati yun nanakawin.

Sabagay, 2500 ang bili ko dun at kakabili ko lang din ng gas dun. Kikita nga naman si Hudas.

Totoo ngang talamak ang nakawan pag Ber months!!! Tungunung statistic yan!!!

So much for "Naniniwala kasi ako sa kabaitan ng bawat tao."

***

Sa probinsya kasi, sa syudad na kinalakhan ko sa malayong parte ng Negros, hindi uso yung snatcher, holdaper, magnanakaw, rapist, mamatay tao (90s yun). Kala ko sa TV lang at pelikula yung mga halang ang kaluluwa na yun. Kala ko hindi sila nage exist sa totoong buhay.

Pero PUNYEMAS!!! nangyari na nga sakin!

Dati naririnig ko lang mga kaibigan ko na hinoldap, ninakawan, nilaslas ang bag, inabangan, ni-hypnotize, na budolbudol. BWESET!

Speaking of, second time na pala tong incident na to kasi naloko na rin ako sa LBC ng mejo may edad na lalake na pinalitan ng fake na 2000 ang pera ko. Pero ayoko nang balikan ang pangyayaring yun kasi bugso ng kasalukuyang pangyayari ang nag udyok sakin para mag post dito!

Hayst.

***

Sana na lang malaki talaga ang pangangailangan nya.

Pero kung para lang makapag DOTA, makabili ng alak at sigarilyo, makaporma sa kung kanino, makabili ng luho... TUNGUNU sya! Naka 4G na ang karma! Mas mabilis.

Bahala na ang kapalaran at karma para turuan sya ng leksyon. (Pero wag naman yung grabe kasi hindi naman tama ang ipagpanalangin moh na may masamang mangyari sa kapwa mo kahit gano pa sya kademonyo o ka walang kwenta.)

***

Pero kahit na anong mangyari, naniniwala pa rin ako sa kabaitan ng bawat tao. ^_^

Maaaring minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi moral o tanggap ng sosyudad, mga desisyon na taliwas sa nakararami, mga bagay na hindi natin gusto pero kelangang gawin o walang lang talaga tayong pagpipilian na - hindi ibig sabihin nun ay likas na tayong masama.

Ginawa tayong malinis na nabahiran na lang ng dumi dahil sa mga bagay na nangyari at humubog sa kung anuman man tayo ngayon. Kung naging marumi na tayo, meron at meron pa ring pagkakataon na tayo'y maging muling malinis dahil yun ang naging pundasyon ng ating pagkatao.

Kaya para dun sa nakakuha ng super kalan ko:

Sige nga, sabihin moh sakin kung anong gagawin ko mga pinamili ko?? Wala pa kong pambili ngayon ng bagong gasul! Sana naman ininform moh ko para naman nakapagluto na ko for the whole week.

Unfair!




No comments:

Post a Comment