Monday, September 10, 2012

Kras... ayiiii. . .

Bilang isang tao, napagdadaanan ko rin ang typical na nangyayari sa isang normal na nilalang. Kumakain, jume jebs, nangungulangot, natutulog, napupuwing, nauutot, nababahing, nagkakasipon atbp. pero ang gustong-gusto ko ay yung makaramdam ng kilig. ayiii. . .

Nung bata pa ko tinanong ako ng kapitbahay namin:

"Uy, may crush ka na ba?" sabi ni Kuya Kapitbahay sabay ngiting makahulugan.

"Oo, naman po. Hindi ka naman normal pag wala kang crush di ba po?" sagot ko naman.

Nag agree naman sya sa sinabi ko kasi totoo nga naman. Sino pa ba ang hindi nakaranas ng magka crush? Nagsisimula nag kakaibang paghanga sa isang tao elementary pa lang tapos bobongga na yan sa high school, pag college mejo nagseseryoso na yan ng konte pero mas gusto ko yung high school crush.

Naks!

Kilig to the bones yun. Eto yung time ng kasagsagan ng hormones ng isang teen ager. Nakoko conscious sa itsura dahil baka makita si crsuh. "Oilyness is next to uglyness" ang motto. Pakapalan ng pulbo ang labanan, papulahan ng labi, patigasan ng buhok gamit ang gel (for boys only), paastigan sa porma, at palakasan ng pogi/ganda points. Lahat yan para lang kay crush.

***

Marami akong naging crush mula noon hanggang ngayon. Nagsimula eto nung grade 1 pa lang ako. Wala akong magagawa, malandi na talaga akong pinanganak. Kaklase ko sya at naging best friend hanggang grade 6 pero kusa din namang nawala nung nalaman kong parati syang absent sa klase nung high school dahil sa kaka computer games.

Along the way, nadadagdagan, nababawasan at nareretain ang listahan ng mga crushes ko. Kahit cartoon character sa anime, nagkakagusto ako, siguro dahil nasa kanila ang characeristics na gusto ko para sa magiging kasintahan ko (CHAROT!!!).

Mga klase ng crush:

Campus Crush - Damn! Eto yung mga mahirap abutin. Sikat, goodlooking at mayayabang. Alam kasi nilang marami sa kanila ang nagkakagusto kaya mejo tumataas yung tingin nila sa sarili nila. Isang tingin lang nila, kiligsters na talaga yan ng bonggang-bongga. Pano pa pag ngumiti sila sayo, malamang bulagta ka na nakangisi.

Varsity Players - Ihhh... sila yung sporty talaga. Pa impress talaga sa mga nanunuod ng practice o kahit totoong game na. Sila yung tipo na kahit pinagpapawisan mukha pa ring masarap, este, maganda sa paningin. Kahit amoy pawis man sila o amoy anghit, di nakaka turn off.

Nerd - Sila naman yung magagaling sa klase. Halos lahat ng extra curricular activities kasali sila. Sila yung tipo na sasadyain moh talagang di matuto para maturuan ka nila kunyari. O yung kahit hindi moh trip, sali ka na rin ng mga org at club para lang makasama moh sya.

Astig - Sila naman yung Badboy image. Inom, yosi, tattoo at away ang iilan sa hobbies nila. Pero kahit anong dikta ng isip moh na hindi sila karapat-dapat na pagpantasyahan ay di moh magawa-gawang iwasan kasi astig eh.

Good boy - Kabaliktaran ng "Astig". Kadalasan na silang nakikitang naka ngiti, kilala ang lahat at kilala ng lahat. Sila yung tipo na hindi moh kayang sungitan kasi ngiti pa lang nasa cloud 9 ka na.

Floater - Sila naman yung hindi moh kilala pero araw-araw mong hinahanap at gustong makita. Di mo kilala ang pangalan, wala kang alam na kahit ano sa kanya kasi parang wala syang kaibigan. Magkakasalubong kayo sa hallway pero nakayuko lang sya at diretso sa paglalakad. Pero di mo alam kung bakit gusto moh sya.

Dabarkad - Eto yung isa sa pinakamahirap. Crush moh ang kaibigan moh. Eto parati ang dilemma: sasabihin moh ba o hindi?? Masaya ka na nakakasama moh sya pero natatakot ka na pag nagtapat ka ay masisira ang pagsasamahan nyo. Pag nasa ganito kang sitwasyon, good luck na lang sayo.

Pahirap - Eto yung isa din sa pinakamahirap. Crush moh naging syota ng best friend mo. At mas masaklap kung alam ng best friend moh na crush moh sya bago nya jowain. Awkwardness to the maximum to pag nag date sila tapos chaperone ka. Nakanampu talaga!

Deadma - Eto naman yung crush moh na alam nilang crush moh sila kaya dinededma ka. Sila yung tipong ayaw nila na may gusto ka sa kanila kasi hindi ka talaga nila type. Hello!! Crush lang naman ahh, bakit? Inaaya ka na bang maging asawa na agad???

Sunget - Sila naman yung "Deadma" din pero hindi ka lang basta hindi pinapansin, sinusungitan ka pa.

User - Sila naman yung "paasa". Pag alam nilang may gusto ka sa kanila. Dami ng hinihinging pabor, o pa libre o kahit na anong makuha nila sayo. Tapos ikaw naman etong si tanga, nagpapauto naman. Nagbabakasakaling magustuhan ka rin.

Out of reach - Mga artista, singer, dancer, member ng boyband/kpop both local and international.

Imagination - Yung nababasa moh sa libro tapos iniimagine moh yung itsura.


Yan... iilan lang yan sa klase ng crushes na nageexist.

***

Aminin moh, dumating din sa puntong nagpi Flames Candle ka ng pangalan ng crush moh. Sinusulat ang pangalan nya na nakapaloob sa heart na may nakatusok na arrow sa likod ng notebook moh.

Alam moh class schedule na.

Alam moh mga gusto at paborito nya.

Alam moh bahay nya dahil minsan kang naging stalker nya (baka nga hindi lang minsan eh).

Na-imagine moh syang naging kayo na daw tapos happy ending. Minsan ka na ring nag tampo sa kanya kahit di nya alam.

At gumuho ang mundo moh nung nalaman mong may jowa na sya. Pero fireworks naman ang naramdaman moh nung nag break na sila.

Minsan moh na ring naisip na nagmumukha ka nang tanga kakahintay sa mga lugar na parati nyang pinupuntahan o sa hallway na lagi nyang dinadaanan.

Nag isip ka na rin ng libong alibi para lang dumaan sa bahay nila o sa class room nya, kahit hindi nya naman natanong kahit once kung anong ginagawa moh dun.

Nagawa moh na ring sutsutan sya tapos pag lumingon bigla kang magtatago o di kaya ay kunyaring hindi ikaw yung sumutsot.

Naisip moh na ring gayumahin sya.

Gusto moh ring kaibiganin mga kapatid nya, magulang nya, kaibigan nya para lang mapalapit sa kanya.

Lahat na lang ng klaseng papansin nagawa moh na: split sa pader, headspin sa kisame, kumain ng buhay na manok na nagaapoy.

Kahit anong pasikat sinalihan moh na makuha lang atensyon nya.

Pero...

kahit ilang libo pa ang naging crush moh at milyong kabaliwang ginawa moh para sa kanila, may iisang nakalaan talaga para sayo.

Minsan hindi moh namamalayan yung ginagawa moh sa crush moh ay may gumagawa din pala sayo.

Minsan pala manhid ka lang talaga at di napapansin na may nagkaka crush din sayo.





2 comments:

  1. Ang ganda, Arjay. This last post put a smile on my face. Keep posting! :)

    ReplyDelete
  2. Uy salamat sa comment... ngayon alam ko nang accessible nga tong blog ko... kala ko kasi for my own private viewing lang... heheheh

    more to come ^_^

    ReplyDelete