Sunday, October 7, 2012

Larong Pinoy



Langit, lupa, impyerno, im impyerno
Saksak puso tulo ang dugo

Bubuka ang bulaklak,
Papasok ang Reyna
Ang saya-saya.
Boom teyaya boom, teyaya boom yeye

Alas kwatro ng hapon maririnig moh na sa mga kalsada ang mga kantang yan dati. Pagkabihis galing sa skwela diretso na kami ng mga kaibigan ko sa labasan para maglaro. Hindi pa uso ang PSP nun, hindi pa kilala ang internet, balita ang napapanuod sa tv na hindi kina iinteresan ng mga kabataan, imbes na gumawa ng assignment maglalaro muna kami.

Siguro kami na yung huling henerasyon na naglaro sa tabi ng kalsada. Hindi man ganun ka hi tech yung laro namin pero sulit na sulit sa tuwa at saya.

Hanggang alas sais yung paglalaro pag may pasok, pag wala naman at timing na kabilugan ng buwan one to sawa yan o di kaya hanggang sa hindi pa sinusundo ng palo ng magulang. Buhay na buhay ang tabi ng kalsada dati at buwan-buwan din bumibili ng tsinelas si Mama. Kung hindi moh alam ang sinasabi ko maaring sinilang ka sa henerasyon ng Gameboy, Dota, PSP at ni Justin Beiber.


Patintero

Hindi biro ang larong ito. Pang Olympics. Kelangan moh ng strategy at dapat magaling ka sa pagtantya ng iyong katunggali. Mula apat hanggang anim ang pedeng sumali sa dalawang grupo. Pagalingan sa pagdepensa ng bahay. Pagalingan din sa pagwawala kapag nahuli ka ng mga bantay.
Kami ng pinsan kong babae ang tag team parati. Defending champion at undisputed. Kahit dalawa lang kami at silang lahat, kayang-kaya. Mas masarap laruin pag kabilugan ng buwan at brown out. Minsan nagkakapikunan na pero grabe namang tuwa at tawa. Minsan nanunuod ang mga nakakatanda at nakikisaya.


Tumbang Preso

Gamit lang ang lata ng gatas (kadalasan Alpine na malaki) at tsinelas. Ipapatong ng taya ang kanyang tsinelas sa lata at babatuhin ito ng mga kasali, kapag natamaan ay kelangang ayusin ng taya ang pagkkapatong ng tsinelas sa lata saka hahabulin ang mga kasali, mahuli taya.
Naalala ko inabot kami ng alas syete ng gabi mula alas kwatro ng hapon na ako pa rin ang taya. Mas panglalake kasi ang larong to. Pinapanalangin ko na talaga nuon na sana sunduin na ko ni Mama ng matapos na ang laro. Lahat ng klaseng kantyaw inabot ko. Pagkaisahan ka ba naman ng halos lahat ng bata sa pagbato ng lata. Mga lokong yun di na naawa.


Chinese Garter

Maraming klase ng paglalaro nito pero ang pinakasikat ay yung pipilitin mong makalagpas sa Chinese garter. Bawal tumbling at ang pinaka mataas mo hna pedeng abutin ay Biba-tingkayad. Ibig sabihin, naka tingkayad yung humahawak ng garter at naka stretch din ang kamay pataas ng bonggang-bongga. Kelangan moh ng momentum talaga dito at mahabang-mahabang biyas.
As usual, pinsan kong babae ang Gold champion, silver lang ako. Sya lang nakakaabot sa pinakamataas na level ang kaya kulang is yung Biba level, walang tingkayad.


Tagu-taguan

Ahhhh…pinakapborito kong laro. Mas maganda pag papadilim lalaruin kaso yung KJ kung pinsan sinabi na kapag gabi daw nilalaro, itatago ka ng engkanto o maligno o aswang. Bad trip.
Magbibilang hanggang sampu ang taya para bigyan ng sapat na oras ang mga kasali para magtago. Naalala ko dati, kapatid kong babae ang taya, at dun kami naglaro sa bahay ng Lola namin. Nagtago ako sa “berha” (para syang terrace sa bintana). Marupok na yun pero yung isa kong kapatid na lalake at isang kapitbahay namin, nakisiksik pa dun sa tinataguan ko. Bumigay yung berha, lahat kami nahulog, ako lang yung may malay, yung dalawa nahimatay. Ahahahha. Pinalo pa ko.


Habulan

Ito yung pinaka ayaw ko kasi nakakapagod, lalo na pag ikaw ang taya. Hahabulin lang ng taya ang mga kasali at ang kanyang mahuli ay susunod na taya. Yung mga kasali ay pedeng asarin ang taya.
Pagkatapos laruin ang larong ito, sigurado amoy araw ka at amoy pawis tapos yung mga leeg puro libag. Inasar ako dati ni Mama kasi tinalo pa ko nung kapitbahay naming may polyo. Nahabol ba naman ako. Tsk.


Langit Lupa

Gusto ko rin tong larong to. Habulan sya with a twist kasi pede kang pumatong kahit saan at immune ka sa pagiging taya kahit mahuli ka pa. Hindi sya nakakapagod basta may patungan lang. Panget nga lang ang larong ito pag ikaw ang taya kasi nakakapikon. Pano ba naman, kahit papel ang patungan ng mga punyemas, considered na raw yun na langit!


Piko

Paramihan ng makukuhang bahay at pagalingan sa pagtalon at syempre sikat ka pagnakakaliyad ka hanggang lupa. Dito ako naging flexible sa larong to. May alaga pa kong pamato nun, gawa sa tiles pero mas sosyal ka kung pamato moh ay yung dalawang piso na buo na may kalabaw at hugis octagon ata yun. Kung natatalo ka na at lahat ng steps ay bahay na ng kalaban moh pede kang humingi ng makitid na palugit para talunan.


Bubuka ang Bulaklak

Larong pang kyut lang. Hindi masyadong pisikal kasi bubuo lang kayo ng pabilog tapos kakanta ng theme song nito at papasok ang reyna para pumili ng susunod na magiging reyna. Konteng kembot at sayaw-sayaw lang.


Damdam Baby

“Damdam Baby, damdam Veronica. Sweet, sweet lady, Aurora. Shawie-shawo-shawa Aurora. We’re gonna Mama-ma, we’re gonna Papa-pa. Ang Leon ay isang matapang, ang palaka ay isang kawawa. Ready, one, two, three camera action! Attention! Baby Action! Action action! <insert word here> action!”
Kung alam moh kantahin at laruin yan, swerte moh! Hahahahha!! Paborito ko yan, sobra kaya hanggang ngayon memorize ko pa. Pagkatapos kantahin, magpose-pose ka lang ng sasabihing action ng ‘vocalist’. Ang gumalaw, talo…tapos pipitikin sa tenga o sa kamay o kahit na anong brutal na maisip moh.


***

Kung nabasa moh ang libro ni Bob Ong na “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino”, for sure natawa ka at naaliw sa sinulat nya tungkol sa mga Laruang Pinoy. Kwelang-kwela yung tansan na pinokpok hanggang sa maging flat tapos lalagyan ng tali tapos yun na.

Mga kabataang nabuhay nung nineties ang makaka relate dito at kung nalaro moh nga tong mga to sigurado may sarili ka ring nakakatuwang alaala. Ang kabataan dati, simpleng simple lang ang kelangan para aliwin ang sarili. Ngayon di pedeng walang alak pag nagkakasiyahan. Kung tayo paglalaro ang inaatupag, sa kanila naman ngayon ay text at lovelife. Kung tayo noon, excited umuwi galing skul para maglaro, sila excited umuwi para makapg online. Kung tayo noon, usong-uso ang teks, sa kanila usong-uso ang teen pregnancy.

Nakakapanghinayang lang kasi hindi nila naranasan ang totoong saya talaga sa paglalaro.

Revised version ng Langit-Lupa:
Heaven, Earthness in fairness
In, in fairness.
Chukchak heartness flowing ang dugelsh.

Revised version ng Bubuka ang Bulaklak:
Bubukel ang flowerettes
Jujusok ang reynabells
Kekembot ng cha-cha
Ang saya-sayey!

Saturday, September 29, 2012

Napansin ko lang naman noh???


-kung sino pa yung panget...sila pa yung choosy.

-kung sino pa yung walang talent...sila pa yung sikat.

-kung sino pa yung walang naitulong...sila pa yung nanunumbat.

-kung sino pa yung may kakayahan...sila pa yung binabale wala.

-kung sino pa yung matalino...sila pa yung nagbo-bobo-bobohan.

-kung sino pa yung may itsura...sila pa yung loveless.

-kung sino pa yung sumusunod sa batas...sila pa yung napapahamak.

-kung sino pa yung mabait...sila pa yung nauunang mamatay.

-kung sino pa yung mahirap...sila pa yung tamad.

-kung sino pa yung mapagbigay...sila pa yung inaaubso.

-kung sino pa yung tapat...sila pa yung niloloko.

-kung sino pa yung may walang kapansanan...sila pa yung hindi nakakagawa.

-kung sino pa yung mayabang...sila pa yung pinapaboran.

-kung sino pa yung madumi...sila pa yung maaarte.

-kung sino pa yung "kapos"...sila pa yung mapanglait.

-kung sino pa yung mabaho...sila pa yung maselan.

-kung sino pa yung mapagmahal...sila pa yung nasasaktan.

-kung sino pa yung nagmamahal...sila pa yung iniiwan.

Isa kang malaking "PAK"!











Saturday, September 22, 2012

haaay skul

Sa tuwing naiisip ko ang high school napapangiti ako. . .

May mga bagay akong ginawa noon na nakakatuwa, nakakatawa, nakakahiya at kakapulutan ng aral (charot!)

Sa high school nagsimula...

-naglalakihang tigyawat na minsan masyadong close sa isa't isa... tapos minsan grupo-grupo pa.
-tumubo ang mga buhok sa dapat tubuan.
-nauso ang paggamit ng tawas...dahil kung hindi ka gumagamit nito wala kang friends.
-natutong mag toothbrush ng tatlong beses.
-na-master ang paglagay ng gel.
-at kelangang magpalit ng underwear at least twice a week.

Lahat ng klaseng kalokohan, sa high school natutunan. Kahit honor student o valedictorian natutong mag cutting classes. Kahit gaano man kataas ang pader, walang panama sa mga expert wall climber na mga studyante.

Sa high school din nasubukan ang lahat - ang mag yosi, uminom, mangupit, magsinungaling, magmahal at mabigo.

***

Napapangiti ako pag naaalala ko. . .

-yung kaba pag late na ko lalo na pag Monday.
-yung aligaga ako kasi may homework pala.
-hindi tumitingin sa mata ni Sir pag di alam ang sagot.
-bulungan kapag mahirap ang equation sa Physics.
-takbuhan between classes (kwela lang kasi pag naguunahan)
-merienda ng banana cue tapos soft drink na naka plastic.
-hihimatay kunyari pag tiningnan lang ni crush.
-anyabang ko na pag nasagot ko yung question sa Chemistry.
-lalabas ng classroom kunyari para umihi pero bibili ng pagkain.
-patintero at taguan with the Guardo Versozas pag nalimutan ang id.
-habulang gahasa sa mga manyak na kaklase.
-kantahan at jamming sessions sa tabi-tabi.
-bibili ng jamango (indian mango) na may bagoong tapos amuyan ng bunganga.
-pagkatapos ng klase, diretso na sa last period - tabing dagat.
-tambay sa bahay ng kaklase.
-tinginan lang tapos tawanan na kahit wala namang nakakatawa.
-inuman session sa kung saan-saan basta malayo sa school at sa bahay.
-walang katapusang usapan tungkol sa 'sex'
-hiraman ng song hits.
-away bata tapos bati din agad.

***

1st year

Excited sa unang araw na kinakabahan at natatakot. Bago lahat: skul, mga pagmumukha, uniform, mga tao, paligid...lahat.

Kunyari nagpepretend ka na cool pagpasok ng classroom, okay sana kung may kakilala ka o may kasabay ka na classmate moh nung elementary - kung wala, nga-nga. Kadalasan, uupo sa likod mga mahiyain tapos yung nasa unahan mga epal. Dun ako sa unahan parati.

Tapos tahimik muna habang nagmamasid pero yung iba kuda marathon na agad - meron kasi talagang mga friendly talaga, yung iba naman pasikat, yung magkakilala, yung iba gusto lang talaga mang OP at yung iba, OP (ako yun...mag isa).

Pagpasok ni Ma'am, pakitang gilas na agad lahat.

"Good morning Maaaaaaaaaaaaam."

Tapos magpapakilala si Ma'am, konteng orientation tapos eto na... "Okay, class. Pumunta isa-isa sa gitna and introduce yourself to your classmates. Start tayo sayo."

BOOM!

Ako ang mauuna. Paksyet!

Nerbyos, kaba, taranta, manhid, pawis, mabilis na pulso, dinadaga, lahat na. Punta sa harap.

"Hi klasmeyts. My neym is Arjay, "Jey" por short. I'm 13 yeers old. Nice to mit you."

Yey...tapos na.

Firs day nun, di ko makalimutan.

Lumipas ang isang taon. Nagkakilanlan, naging magka close. Lahat ng kakulitan nasa first year students kasi mejo hirap pang mag adjust sa bagong environment.

Halos lahat isip bata pa.


2nd year-4th year

(Pagod na kong magsulat, kaya combine ko na lang. hehe)

Away.

Gulo.

Bati.

Kodigo.

Iyak.

Tawa.

Kaba.

J-S Prom.

Frat.

Baon.

Inum.

Cutting class.

CAT (bweset!)

Exams.

Projects (A Supervised Output in Science).

Reporting.

Recitation.

Absent.

Late.

Uwian.

Recess.

Graduation. . . . . . iyakan. :'-)

Need I say more?

***

Kahit sino itinuturing nila na pinakamasaya ang high school life. Hindi na bata pero hindi pa matatanda. Lahat ng drama sa buhay sa high school mararanasan. Lahat ng katigasan ng ulo, sa high school lang yan.

Akala natin noon, satin umiikot ang lahat. Sarili lang natin ang importante.

Akala natin, simple lang ang buhay. Hindi pa tayo responsable.

Akala natin, alam na natin ang lahat.

Akala natin, tama yung ginagawa natin at para sa ikabubuti natin.

Anumang naranasan natin nung high school...importante natuto tayo. Nadapa at bumangon. :)

Minsan nakakamiss at sarap maging high school student ulit. Baon moh lang problema moh.





Sunday, September 16, 2012

Emelentary... elemantary... ah, basta!

Nalala ko lang naman. . .

-nagpapatayan ang mga kakalase ko nung elementary kung sino mas pogi: Shane, Bryan o Mark ng Westlife. Yung dalawang members daw pampuno lang.

-super sikat ka kung binilhan ka ng Nanay mo ng song hits, pero after ng ilang araw lustay na dahil sa kakahiram.

-hindi pedeng hindi umuwi na kulang ang butones sa uniform dahil sa kakalaro ng patintero, baseball o chinese garter.

-pagalingan sa Around the World at Shooting Star habang nagja jackstone.

-dyos ang tingin sayo pag ang bag mo ay may gulong.

-anak mayaman ka kapag ang pencil case mo ay maraming drawers.

-pasikatan ng pag iyak sa klase. Mas maraming uhog, mas maganda.

-pagandahan ng headband: yung may mata, butterfly at malalaking bulaklak.

-kaaway ka ng lahat kapag sipsip ka sa teacher at maarte.

-lahat ng ache naranasan mo na maka absent lang: headache, toothache, stomachache, handache, footache, etc.

-ilang beses ka nang sumali ng slogan at poster making contest pero bakit parang ang hirap manalo.

-find your height parati pag nagfo fall in line... usong-uso din yung batukan.

-buwan-buwan may kontribusyon para sa electric fan o sa banyo.

-kelangang bumili ng maraming yema, jelly ace o puto kay Ma'am para sa ikauunlad ng grades moh.

-pag aalis si Ma'am, ginagawang taga lista ng Noisy pupils ang pinakamaingay sa klase.

-nauuso ang kras-kras.

-sumikat ang Spice Girls... sumikat din ang sapatos na kulay pink na makapal ang swelas.

-5 piso na baon, solb na.

-ok lang kahit maglakad pauwi dahil binili moh ng sisiw na kulay pink (o blue o green atbp) ang pamasahe moh.

-kapag birthday moh, buong klase invited kahit wala ni isa man ang may gift (maniningil pa rin ako sa inyo!!)

-excited ka at proud kapag umattend ang Mama o Papa moh ng PTA meeting.

-sarap sa pakiramdam kapag may ribbon ka o award tuwing recognition day tapos bibilhan ka pa ng garland ng magulang moh.

-pakitang gilas ka kapag kasali ka sa production number ng klase nyo tuwing may program sa skul.

-takot ang nararamdaman sa Principal.

-kapag nasa klase ng terror na teacher: bawal na bawal ang eye contact kapag nagtatanong sya at di moh alam ang sagot.

-sasama ang loob kapag hindi ka binigyan ng magulang moh ng pera para sa mga binibentang aklat, coloring book o buto ng halaman ng mga salesman.

-fiesta kapag may bumisita na magbibigay ng libreng gatas o chocolate drink o tinapay.

-GMRC ang subject na kapag hindi moh pa ma-perfect, ewan ko na lang talaga.

-uso ang takutan sa klase: third eye, na possess sa puno ng Acacia, pangingisay at ang mahiwagang banyo sa dulo ng hallway.

-pabonggahan sa stationery.. dapat mabango, makulay at maarte... pede ring i-trade.

-usong-uso ang teks.

-inggit na inggit ka kasi ikaw na lang ang di pa nakakalaro ng Tamagotchi.

-hindi pa uso internet at cellphone nun pero kwelang-kwela na kapag nagkukwentuhan at tawanan.

-maglalakad ka lang pauwi kasama mga classmates moh, ayos na ayos na ang bonding.

-film pa ang ginagamit sa camera noon pero kayamanan na ang turing sa mga litrato tuwing graduation at F-S Prom.

Iilan lang po yan sa mga naalala ko nung ako'y nasa elementarya pa lamang. Nakakaiyak na nakakatuwang balikan ang buhay estudyante noong ikaw ay nasa mababang paaralan pa lamang.

Mapapaisip ka talaga kung anoh na ang nangyari sa kaklase mong uhugin dati. San na kaya ngayon ang crush moh? Andun pa din kaya si Ma'am at patuloy na nagtuturo??

Maraming nagbago simula ng gumradweyt ka sa elementary. Eto rin marahil ang maituturing na naghubog talaga sa kung ano ka man ngayon. Dito tayo nagkaisip, natutong masaktan, naranasang mabigo at paano bumangon ulit.

Dito tayo nagkaroon ng sarili nating karanasan bilang indibidwal. Wala si Mama o si Papa, kundi tayo lang kasama ang mga kaklase natin at mga guro. Sabay-sabay nating pinagaaralan ang dapat nating malaman at sabay-sabay din nating natutunan ang mga bagay na kailangan nating matutunan.

Nakaka-miss lang talaga yung mga araw na problema moh lang ang project na di moh pa nagagawa at deadline na bukas.

Nagaalala ka na dahil nalaman mong may line of seven ka.

Pinakasakit na sa pakiramdam ang mapagalitan ka ni Ma'am.

Pinakalungkot na na naramdaman moh nung di ka pinayagan sa field trip.

At super excited ka na dahil may medal ka sa Graduation.

Ang simple lang ng buhay sa elementary kaya minsan di moh talaga maiwasang magbalik tanaw at bigla na lang ngingiti sa mga alaala.

Tapos bigla ka na lang tatawa kapag naisip moh ang mortal sin sa elementary:


-ang tumae sa klase.


Monday, September 10, 2012

Kras... ayiiii. . .

Bilang isang tao, napagdadaanan ko rin ang typical na nangyayari sa isang normal na nilalang. Kumakain, jume jebs, nangungulangot, natutulog, napupuwing, nauutot, nababahing, nagkakasipon atbp. pero ang gustong-gusto ko ay yung makaramdam ng kilig. ayiii. . .

Nung bata pa ko tinanong ako ng kapitbahay namin:

"Uy, may crush ka na ba?" sabi ni Kuya Kapitbahay sabay ngiting makahulugan.

"Oo, naman po. Hindi ka naman normal pag wala kang crush di ba po?" sagot ko naman.

Nag agree naman sya sa sinabi ko kasi totoo nga naman. Sino pa ba ang hindi nakaranas ng magka crush? Nagsisimula nag kakaibang paghanga sa isang tao elementary pa lang tapos bobongga na yan sa high school, pag college mejo nagseseryoso na yan ng konte pero mas gusto ko yung high school crush.

Naks!

Kilig to the bones yun. Eto yung time ng kasagsagan ng hormones ng isang teen ager. Nakoko conscious sa itsura dahil baka makita si crsuh. "Oilyness is next to uglyness" ang motto. Pakapalan ng pulbo ang labanan, papulahan ng labi, patigasan ng buhok gamit ang gel (for boys only), paastigan sa porma, at palakasan ng pogi/ganda points. Lahat yan para lang kay crush.

***

Marami akong naging crush mula noon hanggang ngayon. Nagsimula eto nung grade 1 pa lang ako. Wala akong magagawa, malandi na talaga akong pinanganak. Kaklase ko sya at naging best friend hanggang grade 6 pero kusa din namang nawala nung nalaman kong parati syang absent sa klase nung high school dahil sa kaka computer games.

Along the way, nadadagdagan, nababawasan at nareretain ang listahan ng mga crushes ko. Kahit cartoon character sa anime, nagkakagusto ako, siguro dahil nasa kanila ang characeristics na gusto ko para sa magiging kasintahan ko (CHAROT!!!).

Mga klase ng crush:

Campus Crush - Damn! Eto yung mga mahirap abutin. Sikat, goodlooking at mayayabang. Alam kasi nilang marami sa kanila ang nagkakagusto kaya mejo tumataas yung tingin nila sa sarili nila. Isang tingin lang nila, kiligsters na talaga yan ng bonggang-bongga. Pano pa pag ngumiti sila sayo, malamang bulagta ka na nakangisi.

Varsity Players - Ihhh... sila yung sporty talaga. Pa impress talaga sa mga nanunuod ng practice o kahit totoong game na. Sila yung tipo na kahit pinagpapawisan mukha pa ring masarap, este, maganda sa paningin. Kahit amoy pawis man sila o amoy anghit, di nakaka turn off.

Nerd - Sila naman yung magagaling sa klase. Halos lahat ng extra curricular activities kasali sila. Sila yung tipo na sasadyain moh talagang di matuto para maturuan ka nila kunyari. O yung kahit hindi moh trip, sali ka na rin ng mga org at club para lang makasama moh sya.

Astig - Sila naman yung Badboy image. Inom, yosi, tattoo at away ang iilan sa hobbies nila. Pero kahit anong dikta ng isip moh na hindi sila karapat-dapat na pagpantasyahan ay di moh magawa-gawang iwasan kasi astig eh.

Good boy - Kabaliktaran ng "Astig". Kadalasan na silang nakikitang naka ngiti, kilala ang lahat at kilala ng lahat. Sila yung tipo na hindi moh kayang sungitan kasi ngiti pa lang nasa cloud 9 ka na.

Floater - Sila naman yung hindi moh kilala pero araw-araw mong hinahanap at gustong makita. Di mo kilala ang pangalan, wala kang alam na kahit ano sa kanya kasi parang wala syang kaibigan. Magkakasalubong kayo sa hallway pero nakayuko lang sya at diretso sa paglalakad. Pero di mo alam kung bakit gusto moh sya.

Dabarkad - Eto yung isa sa pinakamahirap. Crush moh ang kaibigan moh. Eto parati ang dilemma: sasabihin moh ba o hindi?? Masaya ka na nakakasama moh sya pero natatakot ka na pag nagtapat ka ay masisira ang pagsasamahan nyo. Pag nasa ganito kang sitwasyon, good luck na lang sayo.

Pahirap - Eto yung isa din sa pinakamahirap. Crush moh naging syota ng best friend mo. At mas masaklap kung alam ng best friend moh na crush moh sya bago nya jowain. Awkwardness to the maximum to pag nag date sila tapos chaperone ka. Nakanampu talaga!

Deadma - Eto naman yung crush moh na alam nilang crush moh sila kaya dinededma ka. Sila yung tipong ayaw nila na may gusto ka sa kanila kasi hindi ka talaga nila type. Hello!! Crush lang naman ahh, bakit? Inaaya ka na bang maging asawa na agad???

Sunget - Sila naman yung "Deadma" din pero hindi ka lang basta hindi pinapansin, sinusungitan ka pa.

User - Sila naman yung "paasa". Pag alam nilang may gusto ka sa kanila. Dami ng hinihinging pabor, o pa libre o kahit na anong makuha nila sayo. Tapos ikaw naman etong si tanga, nagpapauto naman. Nagbabakasakaling magustuhan ka rin.

Out of reach - Mga artista, singer, dancer, member ng boyband/kpop both local and international.

Imagination - Yung nababasa moh sa libro tapos iniimagine moh yung itsura.


Yan... iilan lang yan sa klase ng crushes na nageexist.

***

Aminin moh, dumating din sa puntong nagpi Flames Candle ka ng pangalan ng crush moh. Sinusulat ang pangalan nya na nakapaloob sa heart na may nakatusok na arrow sa likod ng notebook moh.

Alam moh class schedule na.

Alam moh mga gusto at paborito nya.

Alam moh bahay nya dahil minsan kang naging stalker nya (baka nga hindi lang minsan eh).

Na-imagine moh syang naging kayo na daw tapos happy ending. Minsan ka na ring nag tampo sa kanya kahit di nya alam.

At gumuho ang mundo moh nung nalaman mong may jowa na sya. Pero fireworks naman ang naramdaman moh nung nag break na sila.

Minsan moh na ring naisip na nagmumukha ka nang tanga kakahintay sa mga lugar na parati nyang pinupuntahan o sa hallway na lagi nyang dinadaanan.

Nag isip ka na rin ng libong alibi para lang dumaan sa bahay nila o sa class room nya, kahit hindi nya naman natanong kahit once kung anong ginagawa moh dun.

Nagawa moh na ring sutsutan sya tapos pag lumingon bigla kang magtatago o di kaya ay kunyaring hindi ikaw yung sumutsot.

Naisip moh na ring gayumahin sya.

Gusto moh ring kaibiganin mga kapatid nya, magulang nya, kaibigan nya para lang mapalapit sa kanya.

Lahat na lang ng klaseng papansin nagawa moh na: split sa pader, headspin sa kisame, kumain ng buhay na manok na nagaapoy.

Kahit anong pasikat sinalihan moh na makuha lang atensyon nya.

Pero...

kahit ilang libo pa ang naging crush moh at milyong kabaliwang ginawa moh para sa kanila, may iisang nakalaan talaga para sayo.

Minsan hindi moh namamalayan yung ginagawa moh sa crush moh ay may gumagawa din pala sayo.

Minsan pala manhid ka lang talaga at di napapansin na may nagkaka crush din sayo.





Sunday, September 9, 2012

Punyemas!

Last week napagdesisyunan naming magkakaibigan ang mag diet para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

1 fistful size na: carbs, protein, fruit at veggies.

Syempre excited ako kasi liliit na yung tyan ko (hopefully) at makakatipid pa ko. So, bumili ako ng mga kakainin ko for the week to come.

4 pcs     Pear
3 pcs     Apple
1 kilo    Cream dory
400g     Skinless Longganisa
1 tray    Egg
10 pcs  Breaded meat balls

Tapos yung gulay real time ko na lang bibilhin at lulutuin para di malanta tsaka yung carb ko, rice na lang.

At eto pa, nag research na ko ng recipes na gagawin ko kasi excited na nga di ba? Kahit di ako marunong sa kusina kakayanin ko kasi nga DIET di ba??

Pagkagising ko kanina, napagdiskitahan kong i defrost yung mamahalin kong ref habang ako sana'y magluluto.

Pero laking gulat at habag nang hindi ko mahanap ang super kalan ko!!! Iniiwan ko lang kasi sa kusina yun na open sa lahat ng pedeng umakyat. Hindi ko akalain na pati yun nanakawin.

Sabagay, 2500 ang bili ko dun at kakabili ko lang din ng gas dun. Kikita nga naman si Hudas.

Totoo ngang talamak ang nakawan pag Ber months!!! Tungunung statistic yan!!!

So much for "Naniniwala kasi ako sa kabaitan ng bawat tao."

***

Sa probinsya kasi, sa syudad na kinalakhan ko sa malayong parte ng Negros, hindi uso yung snatcher, holdaper, magnanakaw, rapist, mamatay tao (90s yun). Kala ko sa TV lang at pelikula yung mga halang ang kaluluwa na yun. Kala ko hindi sila nage exist sa totoong buhay.

Pero PUNYEMAS!!! nangyari na nga sakin!

Dati naririnig ko lang mga kaibigan ko na hinoldap, ninakawan, nilaslas ang bag, inabangan, ni-hypnotize, na budolbudol. BWESET!

Speaking of, second time na pala tong incident na to kasi naloko na rin ako sa LBC ng mejo may edad na lalake na pinalitan ng fake na 2000 ang pera ko. Pero ayoko nang balikan ang pangyayaring yun kasi bugso ng kasalukuyang pangyayari ang nag udyok sakin para mag post dito!

Hayst.

***

Sana na lang malaki talaga ang pangangailangan nya.

Pero kung para lang makapag DOTA, makabili ng alak at sigarilyo, makaporma sa kung kanino, makabili ng luho... TUNGUNU sya! Naka 4G na ang karma! Mas mabilis.

Bahala na ang kapalaran at karma para turuan sya ng leksyon. (Pero wag naman yung grabe kasi hindi naman tama ang ipagpanalangin moh na may masamang mangyari sa kapwa mo kahit gano pa sya kademonyo o ka walang kwenta.)

***

Pero kahit na anong mangyari, naniniwala pa rin ako sa kabaitan ng bawat tao. ^_^

Maaaring minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi moral o tanggap ng sosyudad, mga desisyon na taliwas sa nakararami, mga bagay na hindi natin gusto pero kelangang gawin o walang lang talaga tayong pagpipilian na - hindi ibig sabihin nun ay likas na tayong masama.

Ginawa tayong malinis na nabahiran na lang ng dumi dahil sa mga bagay na nangyari at humubog sa kung anuman man tayo ngayon. Kung naging marumi na tayo, meron at meron pa ring pagkakataon na tayo'y maging muling malinis dahil yun ang naging pundasyon ng ating pagkatao.

Kaya para dun sa nakakuha ng super kalan ko:

Sige nga, sabihin moh sakin kung anong gagawin ko mga pinamili ko?? Wala pa kong pambili ngayon ng bagong gasul! Sana naman ininform moh ko para naman nakapagluto na ko for the whole week.

Unfair!




Hu? Me?

Di ko alam kung kelangan ko pa talagang magpakilala kasi mababasa mo naman ang iilang tungkol sakin sa right side ng monitor mo pero magkukwento pa rin ako baka sakaling gustong malaman ng konsenya ko na kasalukuyang (at nagiisang) nagbabasa nito ang ilan pang interesante at walang kakwenta-kwentang bagay tungkol sakin.

Game!

...mahilig ako sa ellipsis (yung tatlong magkasunod na tuldok? yun yun)
...minsan nalalagyan ko ng 'H' ang dulo ng mga words koh
...mahilig akong magbasa ng kung anu-ano sa wikipedia
...nakiki tsismis din ako
...madaldal
...tahimik pag mejo naba badtrip
...mas tahimik pag galit
...pero nawawala din naman agad after 2 hours
...o pagkatapos ng dalawang strawberry sundae

Mga gusto ko:

...yung amoy ng hininga ng puppies (lakas makapagpa cute ahh!)
...yung rainbow and sunshine ('lul)
...hot chocolate habang umuulan (isa pa!)
...at mag-inarte!

Ayaw ko ng:

...maanghang!
...kulang sa tulog
...inaasar pag mali ang bigkas ko ng mga salita
...matagal mag serve ng pagkain sa fastfood chain

Iilan lang yan.

Kasi baka kulangin ang space at baka makatulog ka lang pag kinwento ko lahat ng tungkol sakin.

Para Saan, Para Kanino

Ayan.

Ilang beses na kong nag attempt na gumawa ng sarili kong blog at di ko alam kung tungkol saan at ano ang ilalagay ko dito.

Mahilig akong magsulat (pag nasa mood).

Mahilig akong magbasa (parati).

Mahilig akong mang okray (sobra pa sa parati).

So, naisip ko panoh kung ilagay ko na lang ang kahit anong maisip ko (ang irrelevant na masyado ng sinasabi ko within these parentheses, tungunu).

***

Una sa lahat, wala akong pakialam kung magustuhan mo man to o hindi. Di naman ako sigurado habang tina-type ko to kung may magbabasa nga ba o wala, pero sabi ko nga "WALA AKONG PAKIALAM!"

Pangalawa sa lahat, ang intensyon ko lang naman talaga ay makatawag ng pansin at sumikat sa cyber space. BWAHAHAHAH!

Pangatlo sa lahat, wala na kong maisip.

***

So yun, kung ano man ang napapaloob dito. Lahat, mula sa wrong spellings, wrong grammar, wrong pronouncion o pronouncement, boring na topic at kung anek-anek pa ay sakin na yun. "To each his own" nga kumbaga.

***

At OO!!

Masugid akong mambabasa nila Bob Ong, Manix Abrera at yung author ng Ligo na U, Lapit na Me. (Sorry po, mejo nakalimutan ko yung name nya kasi nasa kabilang kwarto yung mga books nya na nabili ko, nakapatong sa ref... may sarili kasi akong ref, yung mamahalin) kaya mejo gusto ko yung style ng pagsusulat nila lalong-lao na yung humor nila.

Kung may makita man kayong paghahalintulad, excuse me lang, ganito na ko magsulat bago ko pa sila mabasa no... nauna lang silang ma publish...

***

So yun na... habang nagta type kasi ako biglang may nag flash na

"An error occured while trying to save your blog"

parang ganun, kaya isi-save ko na bago pa mahuli ang lahat.